Martes, Pebrero 17, 2015

Pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo

Noli Me Tangere
El Filibusterismo
Mula sa salitang Latin na nangangahulugang HUWAG MO AKONG SALINGIN, hinango ito sa bibliya sa ebanghelyo ni San Juan
Mula sa salitang Filibustero na ibig sabihin ay taong kalaban ng mga prayle
Nagsimulang gawin ito noong 1884 sa Spain at natapos ito noong Pebrero 1887 sa Berlin,Germany
Nagsimulang gawin ito noong 1890 sa England at natapos sa Belgium noong 1891
Nakita ni Rizal ang pagkakatulad sa pagmamaltratong malupit ng Spain sa diskriminasyon ng Amerikanong puti sa itim.
Naniniwala si Rizal na biktima sila ng walang katarungan at kalapastanganan ng Spain sa tatlong pari na sina Mariano Gomez,Jose Burgos at Jacinto Zamora.
Inihandog ito sa Bayang Sinilangan
Alay para sa tatlong pari na GomBurZa
Nobelang Panlipunan
Nobelang Pulitikal
Sumasalamin sa kalagayang Panlipunan na nagpapakita ng kalupitan ng mga Espanyol na nagpapagising sa pagkauhaw na makalaya
Ipinapakita ang pagnanasa na makamit ang kasarinlan dahil sa kasakiman ng matataas na opisyal tulad ng prayle at sibil.
Nalimbag sa tulong ni Maximo Viola sa Germany at bilang pagpapasalamat ay ibinigay ang orihinal na manuskrito at pluming ginamit sa paggawa.
Sinimulang ilimbag ito noong Mayo 1891 at dahil sa kakapusan ng pera ni Rizal ay nahinto ito at natapos ang paglilimbag noong Setyembre 1891 sa tulong ni Valentin Ventura at bilang pasasalamat ay ibinigay ang orihinal at may lagdang manuskrito

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento